KILOS PROTESTA | Ibat-ibang militanteng grupo naghahanda na sa protesta sa SONA

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23, pinaghahandaan na ito ng ibat-ibang militanteng grupo.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan pinaplantsa na nila ang kanilang mga aktibidad, maging ang mga plakards at effigy ay kanila na ring inihahanda.

Sinabi ni BAYAN Secretary Gen Renato Reyes, matinding krisis sa ekonomiya ang nag-uudyok sa maraming Pilipino na sumama sa protesta sa SONA.


Kabilang na aniya dito ang sobrang epekto ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, langis maging ng kuryente, tubig at pamasahe.

Isa din sa malakas na panawagan sa SONA protest ay ang pagbasura sa TRAIN Law at dagdag na sahod para sa mga manggagawa.

Kasunod nito hinihikayat ng grupo ang publiko na makiisa at sumama sa protesta upang ipaabot sa Duterte Administrator ang pagkadismaya dahil sa kabiguan nitong pagandahin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments