Manila, Philippines – Nagbabala ang grupo ng estudyante na magsasagawa sila ng kilos protesta dahil sa kawalan ng budget para sa libreng tuition fee para sa 2018.
Una na kasing lumabas sa budget deliberation sa Kamara noong Martes, na kahit pa maisabatas ito, walang inilaan na pondo para sa ‘free higher education’ sa 2018.
Giit ni kabataan Partylist President Marjo Tucay, sobra ang kuwenta ni Budget Secretary Benjamin Diokno na P100 bilyon ang kailangan para sa free tuition sa mga State Universities and Colleges (SUC).
Inalmahan rin ng grupo ang posibilidad na tumaas pa ang matrikula sa mga SUC.
Sa panukala kasing national budget, itinaas ang target na koleksiyon sa mga suc ng P9.1 bilyon mula sa dating P7.8 bilyon.
Nakatakdang makipag-usap sa Agosto 7 ang Kabataan Party-List kay Pangulong Duterte tungkol sa isyu.