Kilos-protesta, ikinasa ng iba’t ibang grupo kasabay ng Bonifacio Day

Nagkasa ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ang iba’t ibang grupo kasabay ng ika-160 araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

This slideshow requires JavaScript.

Ang mga nasabing grupo ay nagsimula ng kanilang mga kilos-protesta sa may bahagi ng Kalaw Avenue at sinubukang magmartsa patungong US Embassy.


Pero, hindi na sila pinayagan pa ng mga tauhan ng MPD na maagang nag-deploy ng mga tauhan.

Pinayagan na lamang silang magkasa ng programa pagkalagpas sa kanto ng Kalaw at Del Pilar Street.

Matapos ang kanilang programa sa Kalaw, tutungo sila kasama ang iba pang grupo sa Mendiola para ipagpatuloy ang programa.

Bantay sarado naman ng MPD ang sitwasyon at minomitor din ang ibang grupo na magtutungo sa Maynila para makibahagi sa kilos-protesta.

Facebook Comments