Maglulunsad ngayong araw ng kilos protesta ang grupo ng magsasaka sa Camp Crame at Camp Aguinaldo.
May kinalaman ito sa pagkamatay sa 14 na anilay mga magsasaka sa isinagawang military at police operations sa Negros Oriental.
Inoorganisa na rin ng militanteng kilusan ng magbubukid sa Pilipinas ang Black Friday protest sa April 5, at national day of mourning and protest sa April 10 na gagawin naman sa Mendiola at iba pang major urban centers sa buong bansa.
Ayon kay KMP chairperson emeritus at Anakpawis President Rafael Mariano mahigpit nilang kinukondena
Ang pagpaslang na anilay hindi raw makatao.
Ang anti-criminality operations ay bahagi daw ng Synchronized Enforcement and Management of Police Operations o SEMPO sa bisa ng Memorandum Order No. 32 at Executive Order No. 70. na inilabas ni Pangulong Duterte.
Nanindigan naman ang Negros Oriental Police Provincial Office na lehitimo ang kanilang operasyon.
Ang anti criminality campaign ng Philippine National Police (PNP) ay laban sa mga hardcore criminals sa buong Negros Oriental ay ginawa upang maiwasan ang posibleng gulo ngayong ngsimula na ang pangangampanya sa local level.
Isinagawa ang sabayang operasyon noong Marso 30, sa mga bayan ng ,Sta. Catalina, Manjuyod , Mabinay , Siaton at Canlaon City Negros Oriental na ikinasawi ng 14 katao at pagkaaresto sa 12 iba pa.
Ayon sa pulisya ang mga nasawi ay pinaniniwalaang miyembro at supporters ng NPA.