Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng gate ng Batasan Pambansa ngayong araw at kanilang sigaw ang pagbasura sa panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund o MWF.
Ang naturang multi-sectoral rally ay pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN at ACT Teachers Party-list Representative sa pangunguna ng kanilang kinatawan at House Deputy Minority Leader France Castro.
Aminado naman si Castro na talo ang Makabayan sa botohan sa oras na umakyat ang MWF bill sa plenaryo.
Kaya naman diin ni Castro, kailangang marinig ang boses ng taumbayan, mga kawani ng gobyerno, kasama ang mga pensioner at contributor ng Government Service Insurance System at Social Security System na parehong mag-aambag sa P275 billion na ilalagak sa MWF.
Malaking tanong din para kay Castro kung mayroong tayong “wealth” o surplus para sa MWF gayong hindi mapagbigyan ang huling na dagdag-sweldo at dagdag-benepisyo ng mga manggagawa.