KILOS PROTESTA | Lingguhang black Friday protest ng mga manggagawa, inilatag

Manila, Philippines – Inihayag ng mga militanteng grupong manggagawa na linggu-linggong magsasagawa sila ng mga kilos protesta dahil na rin sa kabiguan ng pamahalaan na lutasin ang suliranin sa kontrakwalisasyon sa bansa na isa sa mga pangunahing pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay nangangampanya pa sa presidential election.

Sa Joint Press conference ng Kilusang Mayo Uno Metro Manila at Alyansa ng mga Manggagawa Laban sa Kontraktuwalisasyon o ALMA Kontrakwal, mula sa darating na Biyernes hanggang sa sumapit ang Mayo 1, 2018 ay magsasagawa sila Black Friday Protest.

Paliwanag ng grupo sa Mayo 1 anila ang pinakamalaki nilang protesta kung saan daan-daang libong mangagagawa ang lalabas sa lansangan upang obligahin ang Pangulo na tuparin ang pangakong tuldukan na ang kontrakwalisasyon.


Giit ng mga militanteng grupo na lehitimong isyu ang kanilang pinakikipaglaban na binalewala ng Pangulo kaya nagpalabas sila ng ENDO Notice sa Pangulo dahil sa kabiguan nitong tuparin ang kanyang pangako noon nangangampanya pa siya.

Dagdag pa ng grupo noong a-15 ng Marso ang taning upang magpalabas ng Executive Order ang Pangulong Duterte na nagpapawalang-bisa sana sa department order 174 o contractualization ngunit hindi ito natupad.

Facebook Comments