KILOS PROTESTA | Mga aktibidad at kilos protesta ngayong Labor Day, kasado na

Manila, Philippines – Ikinasa na ng labor groups ang kanilang mga kilos protesta sa iba’t-ibang panig ng bansa ngayong Labor Day.

Kabilang sa mga isyu na kanilang igigiit ay ang hindi pagpirma sa executive order tungkol sa kontraktwalisasyon, pagsasara ng Boracay, pagpapa-uwi ng mga OFW sa Kuwait at ang hinihiling na nationwide minimum wage.

Tiniyak naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi nila pipigilan ang mga grupo sa isasagawa nilang pagkilos basta lang hindi sila magdudulot ng panganib sa kapwa tao.


Batay naman sa patakaran ng DOLE sa pasuweldo para sa mga papasok ng holiday, double pay dapat ang lahat ng papasok sa Mayo 1.

Facebook Comments