KILOS PROTESTA | Mga bagong pampublikong sasakyan sa ilalim ng PUVs modernization program, hindi daw akma sa mga taong may kapansanan

Manila, Philippines – Hiniling ngayon ng iba’t-ibang grupo sa hanay ng Persons with Disabilities (PWD) sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na dapat magkaroon ng access sa mga bagong pampublikong sasakyan ang mga taong may kapansanan.

Sa kanilang rally sa LTFRB, ipinaaabot nito sa kinauukulan bagamat sila ay may kapansanan kailangan din nila na gumamit ng pampublikong sasakyan.

Ayon kay Abner Manlapaz, isa sa mga lider ng PWDs, kanilang napuna na walang access ang mga taong may kapansanan sa mga bagong modelo ng PUVs .


Halimbawa dito ang hindi akmang mga pintuan para makapanhik sa loob ang wheelchair ng PWDs.

Paliwanag naman ni LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada, ilang provisions sa Implementing Rules and Regulation ng BP 344 o National Council on Disability Affairs para sa mga Public Transport Vehicles (PUV) tulad ng buses at jeepneys, wala umanong specific requirement para sa rampa ng sasakyan.

Tinukoy lang dito ang kinakailangang upuan para sa mga PWDs.

Pero sa PUVs modernization program, may access ang mga PWDs na makapasok sa loob ng jeepney hindi tulad sa mga lumang modelo na sasailalim na sa phase out.

Facebook Comments