KILOS PROTESTA | Mga biktima ng martial law, nangalampag sa harap ng Kamara

Nangalampag sa mismong bakuran ng Kamara ang mga martial law human rights victims para hilingin ang agarang pagpapakulong kay dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos.

Sumama rin sa kilos protesta ang mga miyembro ng selda na nagmula pa sa Cagayan at Isabela.

Sa dayalogo sa Kamara, iginiit ng mga biktima na walang dahilan para manatili pang malaya si ginang Marcos dahil may desisyon na ang Sandiganbayan


Anila, ang desisyon ng anti-graft court ay bahagi ng pagbibigay hustisya sa mga pinagmalupitan sa ilalim ng batas militar.

Ang Sandiganbayan ay wala pang inilalabas na opisyal na kopya ng warrant of arrest laban kay Mrs. Marcos sa kabila ng conviction nito noong nakaraang Biyernes.

Facebook Comments