KILOS-PROTESTA | Mga consumer ng kuryente, sumugod sa NEA

Manila, Philippines – Sumugod sa tanggapan ng National Electrification Administration o NEA ang mga consumer ng Davao del Norte Electric Cooperative o DANECO.

Iginiit ng grupo ang kanilang pagkalas sa NEA at sa halip ay hayaan silang lumipat sa Cooperative Development Authority (CDA).

Iginigiit ng mga miyembro ng DANECO na kapag napasailalim na sila sa CDA mula sa NEA ay bababa ang singil ng kuryente sa kanilang probinsya.


Idinagdag ng grupo na malaki ang magiging pakinabang ng mga taga Davao del Norte kapag tuluyang nakakalas na sila sa NEA.

Gayunman, kahit na nagsagawa na ng botohan ang lahat ng consumers ng DANECO pabor sa paglipat sa CDA, ayaw pa rin silang payagan ni NEA Adminsitrator Edgardo Masongsong.

Hinihiling din nila ang pagbibitiw sa puwesto ni Administrator Masongsong maging si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa panggigipit sa kanila.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kilos protesta habang nagkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng DANECO at NEA.

Facebook Comments