KILOS PROTESTA | Mga guro ng QC, magsasagawa ng picket protest

Quezon City – Sumama na rin ang Quezon City public school teachers sa Department of Education (DepEd) sa nangangalampag sa pagresolba sa matagal nang problema tungkol sa delayed na pagpapalabas ng kanilang allowance at ang salary increase.

Isang kilos protesta ang kanilang ikinasa mamayang alas tres ng hapon sa Deped Office sa Quezon City, bilang bahagi ng kanilang partisipasyon sa sampung araw na kilos protesta ng Alliance of Concern Teachers kasabay ng paggunita ng World Teachers’ Day.

Kanila ding tinutuligsa ang naging pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones tungkol sa ‘kapakinabangan’ ng results based performance management system o RPMS na isa sa kanilang tinitutulan at hinihiling ng mga guro na suspendehin ang pagpapatupad nito at pag-usapan muna.


May pitong demands ang public school teachers na hinihiling sa DepEd pero hanggang ngayon ay wala pang katugunan ito.

Sa darating na Oktubre a singko, ang huling araw ng selebrasyon ng World Teachers’ Day, tiniyak ng mga guro sa Quezon City na makikiisa sila sa ibat-ibang aktibidad upang igiit ang ang pagbasura sa anila ay neoliberal policies at ang hinihinging umento sa sahod.

May mga guro na ring nagkakampo sa DepEd Central office mula pa noong nakalipas na linggo na nagpaabot na rin ng kanilang kahilingan.

Facebook Comments