Manila, Philippines – Mariing kinukundena ng grupong Kalipunan ng Damayang o Kadamay ang naging pahayag ni pangulong Duterte na pagpapatayin umano ang mga kasapi ng Kadamay na umuukupa sa mga pabahay na proyekto ng gobyerno sa Rodriguez Rizal kung manlalaban ang mga ito at malalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mga pulis.
Ayon kay Kadamay Vice Chairperson NCR Estrelita Bagasbas hindi umano makatarungan na sabihin ng pangulong Duterte na pagpapatayin ang mga miyembro ng Kadamay na umuukupa sa mga Housing Project sa Montalban Rizal.
Paliwanag ni Bagasbas hindi makatao aniya ang naging pahayag ng pangulo na basta nalamang pagpapatayin ang mga miyembro ng Kadamay na umuukupa sa mga Housing Project ng pamahalaan sa Montalban Rizal kaya sila nagsasagawa ng kilos protesta sa Sitio San Roque Brgy. Pag-Asa QC upang iparating sa gobyerno na hindi nila basta inuukupa ang pabahay ng pamahalaan na hindi dumaan sa proseso.
Nilinaw ni Bagasbas na walang katutuhanan na basta nalamang sila lumulusob sa mga pabahay ng gobyetno ng walang dala dalang mga dokumento na nagpapatunay na pwede na nilang okupahin ang pabahay ng pamahalaan.
Matatandaan na ng bitaw ng salita ang pangulong Duterte na kapag nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mga pulis sa ginagawang pag uukupa ng mga miyembro ng Kadamay sa mga pabahay ng gobyerno ay maaaring gumawa na ng kaukulang hakbang ang mga pulis upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili kaysa mauunahan pa sila.