Manila, Philippines – Wala ng makadadaan sa Mendiola bridge dahil inukupahan na ng libu-libong militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta upang ipanawagan kay Pangulong Duterte na wakasan na ang Kontrakwalisasyon sa bansa.
Nagsanib pwersa na ang ibat ibang Labor groups mula Welcome Rotonda, UST, Morayta, at ang iba naman ay galing sa US Embassy.
sabay sabay na naglalakad ang mga ito patungo dito sa Mendiola upang igiit sa Pangulo na tuparin na ang kanyang pangako na tapusin na ang ENDO.
Naniniwala ang grupo na naiparating na nila ang kanilang nais na ipahayag sa pangulo na wakasan na ang Kontrakwalisasyon na nagpapahirap anila sa mga manggagawang Pilipino.
Umaasa naman ang ibat ibang grupo na magbabago rin ang kaisipan ng pangulo at pipirmahan na ang Executive Order upang tuluyan ng tapusin ang ENDO na nagpapahirap anila sa kanilang uring manggagawa.