KILOS PROTESTA | Mga militanteng grupo lulusob sa Mendiola

Manila, Philippines – Kakalampagin ng mga multi-sectoral group at militante ang Malacañang kung saan ay muling nilang dadalhin ang mga hinaing ng taumbayan sa Mendiola.

Ayon sa grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa halip na alalahanin ang kadakilaan ng mga Pilipinong nakapag-ambag sa kasarinlan ng Pilipinas ay nais nilang ipamumukha ang kanilang pagkadismaya sa Duterte Administration sa mga patakaran na labis umanong nagpapahirap ngayon sa mamamayang Pilipino.

Paliwanag ng grupo ang magiging agenda ng kanilang pagkilos ngayon ang isyu pa rin sa kontraktwalisasyon, mababang sahod ng mga manggagawa at pagkitil sa karapatan ng mga manggagawa na bumuo ng unyon.


Mamayang alas-diyes ng umaga ay magtitipun-tipon ang mga kasapi ng KMU sa Welcome Rotonda sa Quezon City bago tutulak sa Mendiola.

Sasamahan umano sila ng mga lider mula sa simbahan at iba’t-ibang organisasyon saka sabayang magmamartsa patungong Mendiola Bridge upang iparating kay Pangulong Duterte ay labis na nararamdamang kahirapan ng mga Pilipino.

Facebook Comments