KILOS PROTESTA | Mga raliyistang pro at anti-govt, magtitipon sa Luneta

Manila, Philippines – Magtitipon ang ibat-ibang grupo sa Luneta Park kasabay ng paggunita sa araw ng deklasyon ng batas militar sa bansa.

Sa grupo pa lamang ng anti martial law ay nasa 350 organisasyon ang mag pupunta at marami rin sa hanay ng pro martial law.

Ayon kay NCRPO Police Director Guillermo Eleazar, ipapatupad nila ang maximum tolerance


Gayunman, aarestuhin ng mga pulis ang magpapasimula ng gulo at mag-va-vandalism sa makasaysayang lugar tulad dito ng Luneta Park.

Samantala, kabilang sa hanay ng anti martial law ay si dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Isisigaw nila ang pagtutol sa nakaamba umanong pagdedeklara ng batas militar sa bansa.

Facebook Comments