Kilos-protesta ng iba’t ibang grupo kaugnay sa ika-126 na Araw ng Kalayaan, maagang tinapos

Maagang tinapos ng iba’t ibang grupo na karamihan ay mga kabataan ang kanilang kilos-protesta sa may bahagi ng Kalaw Street at Roxas Blvd., sa Maynila.

Nabatid na sinubukang lumpit ng mga raliyista sa tanggapan ng Embahada ng Amerika upang ipanawagan na huwag maki-alam sa isyu na kinahaharap ng Pilipinas.

Partikular ang panghihimasok ng Amerika sa usapin ng mga pinag-aagawan teritoryo sa West Philippine Sea.


Hiling din nila na umalis o lumayas ng bansa ang pwersa ng Amerika lalo na’t hindi naman ito nakatutulong at walang magandang naidudulot.

Bukod dito, nararapat din daw tutukan ng pamahalaan ang problema ng bayan tulad ng mababang sweldo, patuloy na pagtaas ng bilihin, trabaho at kalusugan ng bawat Pilipino.

Maigi rin daw na resolbahin ng gobyerno ang isyu sa pagitan ng China ng walang nakikialam na ibang bansa at magkaroon ng paninindigan para maipaglaban ang sariling teritoryo.

Facebook Comments