Tinapos na ng grupong Manibela ang inilunsad nilang kilos-protesta sa Mendiola, Maynila.
Ayon sa Manila Police District (MPD), tinatayang umabot sa halos 50 ang nagkilos-protesta ang grupong Manibela habang nasa halos 300 naman ang lumahok sa grupong PISTON.
Nagmartsa kaninang umaga patungong Mendiola ang mga jeepney driver at operators, kasama rin ang mga progresibong grupo mula sa iba’t ibang sektor para tutulan ang jeepney phaseout bunsod ng PUV Modernization Program.
Sa ngayon, malinis na sa mga kilos-protesta ang Mendiola, Maynila, matapos na mapayapang mag-disperse ang mga grupo.
Nauna nang sinabi ng PISTON na tatapusin na nila ngayong araw ang kanilang tigil-pasada pero magpapatuloy pa rin ang kanilang mga pagkilos para maipa-abot sa pamahalaan ang kanilang hinaing.