Kilos-protesta ng militanteng grupo sa DOJ, nauwi sa tensyon; gwardya, dumugo ang ulo matapos hampasin umano ng bote ng spray paint

Nauwi sa tensyon ang isinagawang kilos protesta ng ilang miyembro ng mga militanteng grupo sa harapan ng Department of Justice (DOJ).

Nag-ugat umano ito sa pagsita ng isang guwardiya ng DOJ sa ginawang pagsusulat ng mga militante sa pader ng tanggapan.

Dito na umano kinuyog ng ilang miyembro ang security guard na nagdulot ng sugat sa kaniyang ulo matapos paluin ng spray paint.


Kasunod nito, sinubukang umalis ng mga nagprotesta pero dito na nauwi sa tensiyon matapos silang harangin na ng mga awtoridad.

Desidido naman ang biktima na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng panananakit sa kanya.

Facebook Comments