Manila, Philippines – Kaliwa’t-kanang kilos protesta ang isasagawa ng mga anti-government at mga tagasuporta ng administrasyon sa November 30, Bonifacio Day.
Ang mga pro-government groups na tinatayang aabot sa higit 300,000 miyembro ay planong magtipon sa Mendiola para kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government.
Pangungunahan umano ito ng ilang dating lider ng komunitang grupo na sina nilo Tayag at Nilo Dela Cruz.
Ang mga grupong kontra sa administrasyon naman ay magkakasa rin ng kilos protesta sa liwasang Bonifacion sa Maynila at sa Monumento sa Caloocan.
Inaasahang ihahayag nila ang pagkadismaya sa pagputol sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Facebook Comments