Manila, Philippines – Plano ng mga kaklase, kamag-anak at mga nakikisimpatsya kay Kian Loyd Delos Santos ang binatilyong napatay ng mga pulis sa isinagawang drug operation sa Caloocan City.
Bago ang libing bukas sa Laloma Cemetery ay magsasagawa muna ng pagra-rally kung saan maglalakad ang mga kamag-aral, kamag-anak, Human Rights Advocates at ibat ibang grupo mula sa burol ni Kian papunta sa Police Community Precinct ng Caloocan PNP upang iparating ang kanilang mariin na pagkundena sa hindi umano makatao na pagpaslang sa isang grade 11 student na pinagbabaril umano ng walang kalaban-laban ng Caloocan Police.
Ngayon araw ng burol ni Kian, dumagsa ang ibat ibang mga kaibigan, nagmamahal, at mga kamag-anak na galing pa sa ibat ibang probinsiya masilayan lamang ang huling burol ng binatilyong pinaslang hindi umano ng mga pulis ng walang kalaban laban.
Una rito, mariing kinundena ng ibat ibang grupo, Human Rights Advocates, VACC at nakisawsaw na rin ang ilang mga pulitiko sa brutal na pagpaslang kay Delos Santos.
Iisa ang kanilang mga sigaw na mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ni Kian at managot sa batas kung sinoman ang nasa likod ng brutal na pagpaslang sa grade 11 student.