KILOS PROTESTA | PNP, nakahanda sa mga aktibidad at kilos protestang isasagawa sa Labor Day

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa mga ikakasang kilos-protesta sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa May 1.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, inaasahan na nila na marami ang makikilahok sa protesta lalo na at walang inilabas na executive order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagwawakas sa kontraktwalisasyon.

Tiniyak ni Albayalde na maximum tolerance ang kanilang ipapatupad sa mga magpoprotesta.


Hinikayat rin ni Albayalde ang mga militanteng grupo na gawing mapayapa ang kanilang gagawing protesta.

Facebook Comments