Kilos protesta sa EDSA, Quezon City – nagdulot ng pagbagal ng trapiko

21

Manila, Philippines – Nagdulot ng bahagyang pagbagal ng trapiko sa south bound lane ng EDSA ang pagkilos ng ilang militanteng grupo at civil society group.

Kanina bitbit ang mga sulo at mga banner, nagtipon muna sila sa Cubao area bago nagsagawa ng solidarity march papunta sa People Power Monument sa EDSA.

Pinakita ng grupo ang mahigpit nilang pag tutol sa human rights at yung mga pinatutupad na development policy sa mga bansang miyembro ng ASEAN.

Ayon sa ilang mga nakilahok, hindi naman nararamdaman ng mga mahihirap ang nasabing aktibidad.

Hindi lang Pinoy ang nakita sa nasabing solidarity march dahil mayroon ding mga dayuhan na galing sa iba’t ibang bansa na miyembro ng ASEAN.

Facebook Comments