Kilos protesta sa SONA kasado na, NCRPO maximum tolerance paiiralin

Manila, Philippines – Ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang maximum tolerance laban sa mga raliyista na magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO Spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas – hindi aarmashan ang mga pulis na magbabantay sa labas ng Batasan.

Pero aarestuhin at ikukulong aniya ang sinumang raliyista na manggugulo at lalabag sa batas.


Inaasahang aabot sa 15,000 raliyista ang magtitipon-tipon ngayong araw.

Sa ngayon, wala pang namo-monitor na anumang banta sa SONA ng pangulo.

Aabot sa higit 6,000 na pulis at 300 na sundalo ang idedeploy para magbantay sa SONA.

Facebook Comments