KILOS PROTESTA | State of emergency posibleng ideklara sa France

France – Mahigit apat na raang katao ang arestado samantalang 133 naman ang nasaktan sa marahas na bakbakan ng mga pulis at mga nagpoprotesta laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa France.

Nasa ikatlong linggo na sa iba’t ibang panig ng France ang “gilets jaune” o yellow vest movement libu-libong Pranses ang sumama para tutulan ang mataas na presyo ng krudo at buwis sa mga sasakyang nagdudulot ng polusyon.

Dahil dito, kinokonsidera ng French Government ang lahat ng paraan para mapigilan ang patuloy na karahasan at kasama na rito ang pagdedeklara ng state of emergency sa France.


Halos 200,000 katao naman ang lumahok sa mga rally na nagsimula ng ikalawang linggo ng Nobyembre.

Facebook Comments