UNITED STATES – Pinalagan ngayon ng grupong “rainbow flag” ang pagkansela ni US President Donald Trump sa kautusan ni dating US President Barack Obama na bigyan ng karapatang pumili ng nais na palikuran ang mga estudyanteng transgender sa Amerika.
Daang – daang miyembro ng rainbow flag na nagre-represent sa lesbian, gay, bisexual at transgender ang nagtipon-tipon sa harap ng white para kondenahin ang naturang aksyon ni Trump.
Bitbit ang kuya rainbow na bandera, sabay-sabay nila itong iwinagayway at isinigaw ang salitang "no hate, no fear, trans students are welcome here.
Sa ilalim ng obama guidelines – ipinag-utos sa mga pampubliko paaralan na maglagay ng mga palikuran na akma para sa kasarian ng mga transgender na estudyante sa Amerika.