Bumuwelta ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa inilatag na pamahahagi ng lupa sa mga magsasaka ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Sinabi ni KMP Chairman Rafael Mariano na hindi kasi malinaw kung paano ipapamahagi ang mga lupain ng gobyerno para sa mga magsasaka tulad na lang aniya ang 52,000 ektarya ng lupain na pag-aari ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Mariano, dapat hindi na rin maglatag ng mga kondisyon na kung sakali na mamamahagi ng lupa para sa mga magsasaka.
Kasunod nito, hindi rin aniya binanggit ng pangulo ang isyu na may kaugnayan sa agricultural smuggling na nangyayari sa Department of Agriculture, maging sa Bureau of Customs (BOC).
Ayon pa kay Mariano, bakit hindi rin natalakay ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL) na kadalasan na umano’y nagiging dahilan ng pagbuhos ng imported rice sa bansa.