Kim Chiu, balik trabaho agad sa kabila ng trauma sa ambush

Kahit trauma pa rin sa nangyaring pananambang sa kanyang van sa Quezon City, balik-trabaho na ang aktres na si Kim Chiu.

Pagkatapos ng insidente, diretso sa taping ng pinagbibidahang teleserye si Kim, ang Love Thy Woman.

Sa ibinahaging Instagram story ng hair and make-up artist ng aktres na si Haidee Fernandez, makikita ang larawan ni Kim habang nagbabasa ng script at tila nag-aayos ng sarili.


Ilang celebrities naman ang nagpaabot ng pag-aalala kay Kim.

Labis-labis din ang pasasalamat ng mga artista na ligtas ang aktres gayundin ang P.A. at driver nito.

Samantala, nakausap na rin ni Kim ang ilang ABS-CBN executives kung saan emosyonal niyang ikinuwento ang nangyaring pamamaril kaninang umaga.

Facebook Comments