Kim Chiu – kinagat ng aso!

Dinala sa emergency room ng isang ospital ang aktres na si Kim Chiu.

Ito ay matapos na makagat ng tuta sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Base sa caption ni Kim Chiu, hindi kaniyang aso ang nakakagat sa kaniya pero tumanggi itong sabihin kung kanino.


Kasabay nito, nanawagan si Kim Chiu sa lahat ng pet owners na maging responsable, maingat at laging bantayan ang kanilang mga alaga.

Nabatid na kasama ni Kim sa ER ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Sa ngayon ay nasa maayos na ang kalagayan ni Kim matapos maturukan ng anti-rabies shots.

Facebook Comments