Kim Chiu, sinagot ang bashers na tinatawag siyang tanga

62

“Tao rin kami, nasasaktan.”

Ito ang paalala ng aktres na si Kim Chiu sa bashers na panay ang puntirya sa kanya ng masasakit na salita sa social media.


Sa kanyang vlog noong November 20, isa-isang binasa ni Kim ang hate comments na natanggap niya.

Karamihan sa mga iyon ay sinabihan siya ng “tanga” at may isa pang tahasang minura siya.

Pero sa kabila nito, tinawanan lang ito ni Kim at idinaan sa biro ang panlalait ng basher.

Nabatid na tumigil si Kim sa pag-aaral nang tanghalin siyang big winner sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006, pero ipinagpatuloy niya ito at nakatapos ng high school noong 2011.




Taong 2015 naman ng kumuha siya ng kursong business management sa open university ng University of the Philippines, pero hindi pa niya ito natapos.

Facebook Comments