![[COURTESY] INSTAGRAM.COM - @CHINITAPRINCESS](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2020/07/Slide39.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Aminado ang aktres na si Kim Chiu na takot na siyang magsalita at magbigay ng saloobin sa kontrobersyal na pagpapahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN TV Plus at Sky Cable Corp.’s SKYdirect.
Sa Instagram stories, imbes na magkomento, ibinahagi na lang ni Kim ang statement ng ABS-CBN.
May caption ito na: “Minsan mapapaisip ka na lang talaga. Gusto mo magsalita pero ‘di mo magawa. May takot, kaba, trauma.”

Una nang tumanggap ng sangkaterbang pangba-bash si Kim dahil sa komento nito sa pag-shut down ng kanyang network na inihalintulad niya sa classroom kung saan naging trending ang “Bawal Lumabas” na komento nito.
Aminado ang aktres na nagka-trauma siya sa nangyari noon na itinuturing niyang isa sa lowest point ng kanyang buhay.









