Kim Fajardo, kumpiyansa kay Mika Reyes sa pagiging team captain nito sa 18-man Philippine Women’s Volleyball pool na isasabak sa international tournament

313

Manila, Philippines – Kumpiyansa ngayon ang dating De La Salle Setter na si Kim Fajardo sa naging teammate nito na si Mika Reyes bilang team captain ng 18-man Philippine Women’s Volleyball pool na isasabak sa international tournament kabilang ang 2017 sea games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Fajardo, kakayanin ni Reyes ang challenge na pamunuan ang national squad dahil matagal niya din itong nakasama at alam niyang responsable ito pagdating sa paglalaro ng volleyball.

Excited naman si Fajardo sa bagong oportunidad sa paglalaro ng volleyball at challenge daw ito sa kaniyang career dahil first time siyang sasabak sa sea games.


Maliban kay Reyes at Fajardo, kabilang din sa women’s team sina Denden Lazaro, Dawn Macandili, Abigail Marano, Genevieve Casugod, Maika Ortiz, Lourdes Clemente, Jaja Santiago, Aiza Maizo Pontillas, Jovelyn Gonzaga, Frances Molina, Kathleen Faith Arado, Rachel Ann Daquis, Ria Meneses, Rhea Dimaculangan, Roselle Baliton at Alyssa Valdez.
Photo from: dlsusports
DZXL558

Facebook Comments