Kim Molina at Jerald Napoles, paano nga ba ipinagdiwang ang 7th anniversary?

Sweet na sweet ang couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles nang ipinagdiwang ang kanilang 7th anniversary kahapon.

Ito ay sa pamamagitan ng underwater shoot na kinunan kamakailan sa kanilang bakasyon sa Bohol.

Sa Instagram post ni Kim, ibinahagi nito ang mga nakakabighaning larawan na may caption na handang harapin ang lahat makasama lamang ang kaniyang pinakamamahal.


Hindi naman nagpatalo si Jerald at nag-post din ng mga larawan kuha ang mga unedited na larawan at may caption din na laman ang pagiging proud nito sa kasintahan.

Unang nagsimula ang love story ng dalawa sa musical na Rak of Aegis kung saan 2019 nang sila ay maging official couple.

Facebook Comments