Kim Molina sa bashers ng ‘hiwalay’ niyang boobs: ‘Social distancing nga ‘di ba?’

5257
Instagram/@kimsmolina

Palaban at patawang bumuwelta ang singer-actress na si Kim Molina sa bashers ng kanyang dibdib.

Kamakailan lang nag-post ang “Jowable” star sa Instagram ng selfie na nakasuot ng face shield at black dress na nagpakita ng kanyang cleavage, na may caption na #NewNormal.


Maraming pumuri sa alindog ni Molina, pero hindi siya nakaiwas sa ilang mapanlait na netizens na pumuna sa “hiwalay” na dede ng aktres.

Kesyo “magkagalit” daw ang boobs nito, “losyang”, “ginawa” at hindi raw dapat nagsusuot ng revealing na mga damit.

Dahil dito, in-edit ni Molina ang caption ng post bilang sagot sa bashers.

“Dahil ang daming hanash: Problema niyo sa boobs kong hiwalay? Eh social distancing nga diba?” sabi niya, na pinatutungkulan ang isa sa mga safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.




Para naman sa body-shamers, aniya, “In all shape or form, WE ARE JOWABLE. Sending good vibes to all. #BodyPositivity.”

Facebook Comments