MANILA – Iginiit ngauon ni Senator Koko Pimentel na hindi dapat makaligtas ang negosyanteng chinese national na si Kim Wong sa money laundering case kahit pa isauli nito ang bahagi ng 81-million dollars na ninakaw sa Bangladesh.Paliwanag ni Pimentel, na isa ding abogado, ang pagsasauli ng pera ay hindi diin para maabswelto sa kaso ang sinumag sangkot sa krimen.Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon kahapon ay buong detalyeng isinalaysay ni Kim Wong ang kanyang naging partisipasyon sa perang ninanakaw sa Bangladesh at idineposito sa rizal commercial banking coporation o rcbc kung saan ito agad nailabas at nadala sa ibat ibang taong involved sa casino.Kasama si Kim Wong sa tumanggang ng bahagi ng nasabing salapi pero nangako sya na ibabalik ang 4.63 million dollars dito pati ang 450-million pesos na ginamit na pambayad sa kanya ng kaibigang junket operator.Giit ni Pimentel, kailangang mapagaralang mabuti ang testimonya ni Wong pati ang alok nitong pagsasauli ng pera sa Bangladesh.Ipinaliwanag ni Pimentel na bagamat mukhang kapani paniwala ang salaysay ni Kim Wong ay kailangan nilang magingat dahil mukhang kapani paniwala din maging ang testimonya ng rcbc brqnch manager na Maia Santos Deguito.
Kimwong, Hindi Dapat Maakaligtas Sa Kaso Kahit Magsauli Ng Pera Sa Bangladesh
Facebook Comments