Kinakailangang pondo para sa COVID-19, ginarantiyahan ng isang senador

Ginarantiyahan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go, na mayroong ₱4.6 billion pesos na magagagamit ang Department of Health o DOH para sa mga hakbang kaugnay sa COVID-19 outbreak.

Ang ₱1.6 billion pesos na supplemental budget ay inaprubahan ng kongreso at sinertipikahan ng Bureau of Treasury na available.

Sabi ni Go, ang ₱2 bilyong piso naman ay magiging ambag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang ₱420-million pesos naman ang magiging kontribusyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) batay sa ilalabas na proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Go, ang ₱539 milyong piso naman ay manggagaling sa savings ng DOH at ₱81 milyong piso mula sa quick response fund ng DOH.

Binanggit pa ni Go na kung kailangan pa, ay nariyan ang contingency fund at disaster risk reduction and management fund ng national government.

Facebook Comments