KINAKASAMA NG BABAENG NATAGPUANG PATAY SA TUMAUINI, TINUTURING NA PERSON OF INTEREST

CAUAYAN CITY- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa natagpuang bangkay kamakailan sa Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Camille Balayan, 27-anyos, at residente ng Brgy. Cabannungan, Ilagan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Chief of Police PMaj Melchor Aggabao, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na anim na oras nang patay ang biktima bago matagpuan ang kanyang katawan kung saan pinaghihinalaang itinapon lamang ito.


Aniya, asphyxia by suffocation ang sanhi ng pagkasawi ng biktima.

Kabilang naman sa person of interest ay ang live in partner ng biktima at subject ito for SOCO at polygraph.

Watch more balita here: 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Sa ngayon, kasalukuyan ang pagsuri sa mga CCTV malapit sa lugar na natagpuan ang bangkay para makakuha ng karagdagang impormasyon para sa mabilis na paglutas sa kaso.

Facebook Comments