Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Nancy Binay ang Department of Trade and Industry o DTI para magpakalat ng mga rolling stores para matulungan ang mamamayan laban sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Binay, ang mga rolling stores ang magkakaloob sa publiko ng mga pangunahing bilihin sa makatwirang presyo, lalo na sa mga mahihirap at malalayong lugar.
Dismayado si Binay dahil hindi ito kusang ginagawa ng DTI sa gitna ng tumataas na inflation rate.
Ayon kay Binay, ang huling pagpapakalat ng DTI ng mga rolling stores ay noon pang humagupit ang bagyong Yolanda sa Leyte at nang maganap ang Marawi conflict.
Diin ni Binay, bago kumilos ay huwag na sanang hintayin ng DTI na umabot ang sitwasyon na tin katulad sa Latin America kung saan hinihimatay na lang ang mga bata dahil sa gutom.