KINALAMPAG | Intelligence gathering sa Mindanao, dapat na paigtingin

Kinalampag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang gobyerno na paigtingin ang intelligence gathering sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng pagsabog kahapon na naganap sa Lamitan City Basilan na ikinasawi ng sampung katao na kinabibilangan ng mga government security personnel at sibilyan.

Ayon kay Alejano, nakakaalarma na nangyari ang pagsabog sa Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim pa naman ng batas militar.


Dapat aniyang kumilos ang pamahalaan na paigtingin pa ang security at intelligence capabilities lalo pa at sila ang may kontrol sa buong rehiyon.

Hindi aniya dapat hayaan na maulit ang ganitong insidente.

Pinamamadali din ng mambabatas ang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga responsable sa nangyaring pagsabog.

Facebook Comments