KINALAMPAG | Mental Health ng OFWs, pinabibigyang pansin ni Sen. Villanueva

Manila, Philippines – Kinalampag ni Labor Committee Chairman Senator Joel Villanueva ang pamahalaan para bigyang pansin ang mental health ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Kasunod ito ng umano ay pagpapakamatay ng 2 manggagawang Pinoy sa Saudi Arabia at sa Lebanon.

Diin ni Villanueva, dapat may nakalatag ng aksyon ang gobyerno para sa mga OFWs na dumaranas ng depresyon bunga ng paglayo sa kanilang pamilya.


Hiniling din ni Villanueva ang pagtatalaga ng Social Welfare Attachés sa mga embahada ng Pilipinas para tumugon sa pangangailangang psychosocial ng mga OFWs.

Kaugnay nito ay iginiit naman ni Villanueva ang malalimang imbestigasyon sa kaso ng suicide ng dalawang OFWs para matiyak na walang foul play na naganap.

Pinatitiyak din ni Villanueva sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay ang lahat ng tulong para sa kanilang mga naulilang pamilya.

Facebook Comments