Mga empleyado ng PLDT, nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng DOLE

Manila, Philippines – Kinalampag muna ng mga empleyado ng PLDT ang kanilang ahensiya sa kahabaan ng España Blvd Sampaloc Maynila, bago tuluyang sinugod ang tanggapan ng DOLE sa Intramuros Manila.

Ayon kay Dan Joshua Nazario, Pangulo ng PLDT Organization of Workers and Employees, malinaw na ang ginawang pagputol sa serbisyo ng kanilang mga kumpanya ay upang talikuran ang kautusan ng Dept. of Labor and Employment para gawing regular ang may halos 8,000 mga contractual employees nito.

Matapos kalampagin ang PLDT, nagtungo sa DOLE sa Intramuros Maynila ang grupo upang makipag usap sa mga opisyal ng ahensiya at idulog ang sinapit ng kanilang kumpanya kung saan malaking bilang ng mga call centers ang siyang tinaman.


Hindi anila sila titigil sa pangangalampag hangga’t hindi naibigay ang kanilang mga kahilingan.

Facebook Comments