Manila, Philippines – Kinalampag ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas si pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na magkaroon ng tunay na Agrarian Reform Program tuldukan na ang mga patayan na nangyayayari sa mga kanayunan na kinasasangkutan ng mga magsasaka.
Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni pangulong Duterte ay lalong naghihirap aniya ang mga magsasaka at ang dalawang taon ay sapat na umano para tapusin na ang masamang pangulo.
Paliwanag ni Ramos nais nilang maiparating kay pangulong Duterte na magkaroon ng tunay na Agrarian Reform Program, Free Land Distribution at ipatupad ang long term and strategic policy reforms na makatutulong sa mga maliliit na magsasaka.
Giit ni Ramos sa kabila ng makailang beses silang na dayalogo sa Department of Agrarian Reform at ibat ibang Ahensiya ng gobyerno sa kanilang lehitimong kahilingan ay nanatiling bingi-bingihan bagkus nagpadeploy pa si pangulong Duterte aniya ng mga sundalo sa mga kanayunan upang magbigay go signal sa mga sundalo para likidahin umano ang mga magsasaka at indigenous people.