KINALAMPAG | Mga militanteng grupo ng manggagawa, lumusob sa tangapan ng DOLE

Manila, Philippines – Kinakalampag ngayon ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang ipanawagan na tuldukan na ang kontrakwalisasyon sa bansa.

Ayon kay Buklurang Manggagawang Pilipino National Vice President Lito Rastica na dapat wakasan ang lahat ng porma ng kontrakwalisasyon dahil pahirap lamang ito sa mga manggagawang Pilipino.

Dagdag pa ni Rastica dapat ay buwagin na ang inilabas na kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III o ang Dept Order 174 na nagpapalehitimo lamang sa Kontrakwaliasyon bukod pa sa epekto ng TRAIN Law na lalong lumiit ang halaga ng kasalukuyang minimum wage.


Giit ng grupong BMP, dapat ipatupad National Minimum Wage 750 pesos upang makaagapay sa mga nangyayaring nagsisipagtaasan ng mga pangunahing bilihin sa Merkado.

Ipinawagan din ng grupo na magbitiw na sa kanyang tungkulin si Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa pagpapalabas ng kanyang mga direktiba na laban sa karapatan ng mga maliit na manggagawa.

Facebook Comments