KINALAMPAG | Mga negosyanteng nasa likod ng problema sa suplay ng bigas, pinakakasuhan

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Francis Chiz Escudero ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para mag-imbestiga at alamin ang mga importer at trader na may kinalaman sa problema sa suplay at mataas na presyo ng bigas.

Giit ni Escudero sa DOJ at NBI, sampahan ng kasong economic sabotage o paglabag sa anti-agricultural smuggling act ang mga matutukoy na negosyanteng ilegal na nagpasok ng bigas sa bansa at nagpataw ng hindi makatwirang presyo.

Kasabay nito ay pinalalagyan din ni Escudero sa Department of Trade and Industry (DTI) ng price ceiling o hangganan ang presyo ng bigas.


Katwiran ni Escudero, dapat kumilos na ang DTI dahil overpriced na ngayon ng P4 hanggang P13 ang presyo kada kilo ng bigas.

Inihalimbawa pa ni Escudero ang Zamboanga City na nasa ilalim na ngayon ng state of calamity dahil sa presyo ng bigas na umaabot na sa P50 hanggang P70 kada kilo.

Facebook Comments