Manila, Philippines – Kinalampag ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na ipatupad na ang social protection program sa ilalim ng TRAIN Law.
Ito ay bunsod na rin ng pagtaas ng Consumer Price Index na mas mataas ng 4.6% kumpara sa nakaraang taon.
Apela ni Cua, dapat na ibigay na sa mga mahihirap na benepisyaryo sa lalong madaling panahon ang mga social benefits card, unconditional cash transfers at fuel vouchers na nakapaloob sa batas.
Hindi aniya dapat na gawing palusot ng mga economic managers ang kawalan ng database sa mga beneficiaries dahil napag-laanan na ito ng pondo ng pamahalaan sa ilalim ng 2018 budget.
Mayroon aniyang P25 Billion para sa unconditional cash transfer at halos P900 million naman na halaga ng fuel vouchers.
Nakatakdang ipatawag muli sa Kamara ang mga implementing agencies para sa social protection program para alamin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maibigay