KINAMPIHAN | Pagkakatalaga kay CJ de Castro sa SC, dinepensahan ng ilang lider ng Kamara

Manila, Philippines – Nakahanap ng kakampi sa Kamara si Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro.

Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu, nasa kapangyarihan ng Pangulo na pumili kung sino ang gusto nitong maging Chief Justice at bahagi lamang ito ng kanyang mandato.

Pagtatanggol pa nito, walang nilalabag na batas sa pagkakatalaga kay de Castro.


Hinimok naman ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair at Samar Rep. Ben Evardone ang mga kritiko na igalang ang pasya ng Pangulo sa kung sino ang nais nitong maging Chief Justice.

Sinabi naman nila Mindoro Rep. Doy Leachon at ANAC-IP Rep. Jose Panganiban na ibinalik lamang ng Pangulo ang tradisyon ng seniority sa Supreme Court.

Wala din anilang masasabi pa kung kuwalipikasyon ni De Castro ang pag-uusapan dahil mula sa pagiging hukom hanggang maging presiding justice ng Sandiganbayan at mahistrado ng Korte Suprema ay napatunayan nito ang kanyang integridad.

Facebook Comments