Kinaroroonan ng German National na bihag ng Abu Sayyaf Group, tukoy na ng AFP

13

MANILA, PHILIPPINES – Tukoy na ng Armed Forces of the Philippines ang kinaroroonan ng German national na bihag ng Abu Sayyaf Group na si Jurgen Kantner.

 

Dahil dito, kumpiyansa ang militar na maililigtas nila aang dayuhan bago mag-sabado ang itinakdang deadline ng mga bandido para sa 30-milyong pisong ransom kapalit ng kalayaan nito.

 

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – kahapon ay may grupo na aniya ng mga sundalo ang lumakad para sa operasyon laban sa mga bandido.

 

Pero tumanggi ang opisyal na magdetalye ng iba pang impormasyon para hindi mabulilyaso ang pagsagip nila sa German national.

 

Sa ngayon aniya, wala silang namomonitor na anumang pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Germany sa ASG.

 

Muli namang umapela ang militar na huwag kumagat ang sinuman sa hinihinging ransom ng mga bandido.




Facebook Comments