Kinaroroonan ngayon ng mag-amang Garin, hindi tukoy ng kanilang pamilya!

Hindi na alam ngayon ng pamilya Garin ang kinaroroonan ngayon nina Iloilo 1st District Representative Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin.

Ito ay makaraang kumalat ang impormasyon na nakaalis na umano sa Iloilo ang mag-amang Garin.

Ayon kay Iloilo Vice Governor Christine Garin, sinabi nito na wala siyang alam kung nasaan ngayon ang kanyang ama at kapatid.


Wala rin daw siyang alam hinggil sa kumakalat na balita na umalis na ng Iloilo ang kanyang ama at kapatid matapos masangkot ang mga ito sa isang kontrobersiya.

Huling daw niyang naka-usap ang dalawa noong nakalipas na araw nang magkasundo silang isuko sa PNP ang mga baril na pagmamay-ari ng mga ito.

Facebook Comments