Manila, Philippines – Kinastigo ni Committee on Environment and Natural Resources Chairperson Senator Cynthia Villar ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS.
Ito ay dahil 14 percent lamang ng kinakailangan sewerage treatment plants ng Metro Manila ang natugunan ng MWSS sa kabila ng 21 taong concession agreements nito sa Manila Water at Maynilad.
Tinukoy ni Villar ang nakapaloob sa Republic Act 6234, na dapat magtayo, magmintine at magpatakbo ang MWSS ng waterworks at sanitary sewerages sa Metro Manila at iba pang lugar sa Rizal at Cavite.
Giit ni Villar sa MWSS, mandato nitong tapusin ang lahat ng sewage facilities sa kalakhang Maynila bago sumapit ang taong 2037.
Sa pagdinig ay ikinatwiran ng MWSS na nahihirapan silang maisaayos ang daluyan ng dumi dahil mahirap kumuha ng permit sa mga lokal na pamahalaan at hirap din sila sa pagkuha ng right of way.
Pero giit ni Villar, malinaw na mahina ang community relations ng Maynilad at ng Manila Water kaya palaging nagagalit dito publiko dahil hindi nito naibabalik ng maayos ang mga hinukay na kalye para sa kanilang mga proyekto.