KINASUHAN | 2 delinquent taxpayers, kinasuhan ng BIR

Dalawang delinquent taxpayers na hindi nagbabayad ng buwis ang sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Kasong paglabag sa tax code ang isinampa laban kay Sonie Cristostomo Gacay, may-ari ng isang manpower services sa Kalookan City at may pagkakautang sa buwis na abot sa higit sa P2.7 para sa taong 2011.

Kasama ding kinasuhan ang Justbest Sales Corporation kasama ang corporate officers na sina Jerry Mariano at Angeles Manuel na may pagkakautang sa buwis na higit sa P1.82 million para sa taong 2013, 2014 at 2015.


May kinalaman naman sa importation at wholesaling ng karne at iba pang kahalintulad na produkto ang negosyo ng korporasyon.

Base sa records ng sangay ng BIR sa Kaloocan City, lumilitaw na ang mga respondents ay nabigo na tugunan o iapela ang kanilang pagkakautang sa kabila na pinadalhan na sila ng abiso ng BIR.

Ang apat na kasong isinampa sa mga delinquent taxpayers ay pang 225 na sa ilalim ng run after tax evaders program ng BIR sa pamumuno ni BIR Commissioner Caesar Dulay.

Facebook Comments