KINASUHAN | 295 cases ng inciting to rebellion, isinampa kay suspected ISIS recruiter Karen Hamidon

Manila, Philippines – Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng 296 kaso ng inciting to rebellion ang babaeng sinasabing recruiter ng International terrorist group na ISIS na si Karen Aizha Hamidon.

Isinampa ng DOJ ang kaso sa Taguig Regional Trial Court matapos na maaresto sa Taguig si Hamidon.

Si Hamidon ay unang naging person-of-interest matapos makahikayat ng ilang mga Indian nationals na pumunta sa Pilipinas para sumali sa radical Islamic groups sa Mindanao.


Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), mayroon itong 296 na posts sa social media na naglalaman ng pangre-recruit ng mga bagong miyembro ng ISIS at siya rin ang nagsusulong ng rebelyon sa Marawi City.

Si Hamidon ay sinasabing asawa ni Mohhamad Jaafar Maguid alyas Tokboy at Abu Sharifa na itinuturong lider ng Ansar Khalifa Philippines na responsable sa pambobomba sa Davao City Night Market noong December 2016.

Facebook Comments